Miyerkules, Nobyembre 13, 2013

Typhoon YOLANDA

     Sinasabing ang bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng buong mundo. Sa kasamaang palad ay naranasan ng buong Pilipinas hagupit nito lalong lalo na parte ng Visayas (Tacloban City). Kahit tayo, ang Bagong Pook na malayo ay naramdaman ang bagsik ng bagyo. Eto ang basketbol court ng umaga na yun pati mga kalsada at ang bakod ng chapel ay nawasak din. Ang kawawang bahay ng Ka Kanor ay nasira din (ulet) at pati na rin sa kabilang agbang.
    Dahil sa pagtutulungan ng mga taga Bagong Pook Kinder at pakikiisa ng ilang karatig barangay , sa pangunguna ng ating kapitan at konsehal ng bayan ay naglinis ito noong araw din na iyon. Hindi man naibalik ng kaagad ay kahit paano ay naibalik ang kaayusan ng mga daanan.

GodSpeed BPkinder

2 komento: