Miyerkules, Mayo 14, 2014

BP Summer Time


    Damang dama ang init dine sa atin, kahit saan pumwesto tatagaktak ang pawis. Minsan pay bigla kakalma ay kupo naman. Areng halo-halo pagkakatakal minuto lang ang binibilang wala na agad lamig. Kundi magpahangin ng kaunti sa tapat ng chapel at manungkit ng niyog kung me mura^. Pag tingin pa lang sa court kala moy nausok e, lahukan pa ng may kasamang gabok ay ano gang tindi :). Ang kopra nina Boji alas 3 pa lang nililikom na. Anaki' y tinipa mamaya isusulong na. Ay sadyang mainit dine . BUMPANESS

Mainit na hapon Bagong Pook!

Huwebes, Enero 2, 2014

BPKinder app Update

Please download the new version BPKinder application for android and get connected to Bagoong Pook anytime with your android gadget now. Thank You!

How to install
1. download the kinder.apk file on your PC.
2. Copy the file on your android gadget.
    *if your PC has detected your gadget as digital camera, change it to media. (in your gadget) 
3. Go to kinder.apk file in your file manager folder and install the app.
4. Enjoy!thank you

PASASALAMAT

LUBOS PO ANG PASASALAMAT SA LAHAT po ng bumubuo ng Bagong Pook Kapisanan, organizers, officials and committees, lalong lalo na po ang mga nagpakapuyat sa pagpapatay at pagluluto ng mga PIGS at COWS ganon din ang mga naghugas ng mga dapat hugasan, sa gumawa ng minatamis (buko pandan) sa nagluto ng spaghetti sa lahat po ng mga tumulong, nakiisa, nakisama at nakilahok sa ating mga gawain at aktibidades upang ang ating BP Grand Reunion 2013 ay maging matagumpay at masaya...JOB WELL DONE!!!!! SALUDO PO KAMING LAHAT SA INYO..
Lubos din po ang pasasalamat ng kapisanan sa lahat ng mga donors and sponsors (in kind and in cash) na nagbigay upang maging masagana ang mesa/buffet ng reunion ng BP, at sa mga papremyo na ibinigay ng ating mga OFW's/TFC's.
Higit sa lahat salamat kay Lord sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nya sa ating lahat.Gumamit sya ng mga tao upang maging instrumento ng ating mga kasayahan, kaligayahan at kagalakan....Tunay na nasiyahan ang lahat kagabi sa dami ng blessings na pinagkalooban....CLAP!CLAP!CLAP! Praise the LORD....

by: Cynthia Franco Beloso

Lunes, Disyembre 23, 2013

BP Kinder Grand Reunion 2013 Malapit na!

     December 27 2013 magaganap ang unang Bagong Pook grand reunion. Lahat magsasama sama at magkikita ng may pagkakaisa. Masisilip ang galak sa bawat isa. Habang ginagawa ko ito ay naririnig ko ang mga pukpukan ng paghahanda (hindi tumulong) maaga pa mamaya na:) Ang lahat ay inihahanda na kaya tayo na at magsama- sama.  Gobless Bagong Pook!!!

Miyerkules, Nobyembre 13, 2013

Typhoon YOLANDA

     Sinasabing ang bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng buong mundo. Sa kasamaang palad ay naranasan ng buong Pilipinas hagupit nito lalong lalo na parte ng Visayas (Tacloban City). Kahit tayo, ang Bagong Pook na malayo ay naramdaman ang bagsik ng bagyo. Eto ang basketbol court ng umaga na yun pati mga kalsada at ang bakod ng chapel ay nawasak din. Ang kawawang bahay ng Ka Kanor ay nasira din (ulet) at pati na rin sa kabilang agbang.
    Dahil sa pagtutulungan ng mga taga Bagong Pook Kinder at pakikiisa ng ilang karatig barangay , sa pangunguna ng ating kapitan at konsehal ng bayan ay naglinis ito noong araw din na iyon. Hindi man naibalik ng kaagad ay kahit paano ay naibalik ang kaayusan ng mga daanan.

GodSpeed BPkinder